Categories
Uncategorized

Saliksik at Salin 2021: Webinar sa Pagsasalin sa Pananaliksik Pangkalusugan

Malugod na inaanyayahan ng Sentro sa Salin at Araling Salin at ng Research Center for Social Sciences and Education ng Unibersidad ng Santo Tomas ang mga mananaliksik, tagasalin, mga tagapagtaguyod ng serbisyong pangkalusugan, at mga mag-aaral mula sa iba’t ibang panig ng bansa na dumalo sa “Saliksik at Salin 2021: Webinar sa Pagsasalin sa Pananaliksik Pangkalusugan” na gaganapin sa Hulyo 01, 2021, Huwebes, 8:00 n.u. hanggang 5:00 n.h. sa pamamagitan ng FB Live.Layunin ng programang ito na mapalawak ang talakayan sa mga konsiderasyon at hamon sa pagsasalin ng mga teksto para sa pananaliksik pangkalusugan sa pangunguna ng mga Tomasinong propesor ng wika at mga disiplinang pangkalusugan:

• Ang Papel ng Kultura sa Komunikasyong Pangkalusugan -Dr. Minerva Calimag

• Questionnaire Development, Translation, and Validation for Research -Dr. Warren Bacorro

• Protokol sa Ebalwasyon ng Pagsasalin ng UST Sentro sa Salin at Araling Salin -Dr. Wennielyn Fajilan

• Mga Hamon sa Ebalwasyon ng Pagsasaling Pangkalusugan sa Filipino: Mga Tala sa Pagsasalin ng mga Terminong para sa Rehabilitasyong Pang-Agham – Asst. Prof. Ma. Lanie Vergara

• Mga Hamon sa Ebalwasyon ng Pagsasaling Pangkalusugan sa Filipino: Mga Tala sa Pagsasalin ng mga Tekstong Pang-Biyolohiya– Dr. Dino Tordesillas

Libre ang pagdalo sa webinar. Kailangan lamang magpatala at aktibong makilahok upang makatanggap ng sertipiko ng pagdalo. Para sa mga nais dumalo magpatala hanggang Hunyo 28, 2021 sa link na: https://bit.ly/2SvJRHW